Si Paw. Makulet pero Mabaet. Matapang pero matatakutin. Matatag
pero madaling masaktan. Isang babae na puno ng pag-ibig. Isa lang naman
ang gusto nya sa buhay, yun ang magmahal at mahalin.
Si Mark. Ang lalaking unang inibig ng lubos ni Paw. Mabaet, Matalino,
Masayahin, Matulungin, iyon ang pagkakakilala ni Paw kay Mark. Mas lalo
syang minahal ni Paw dahil matalino sya, magaling magbasketball,
magaling din sa volleyball. Ang problema nga lang ay hindi katangkaran
si Mark, pero hindi iyon pinansin ni Paw. Mahal nya eh.
Masayang masaya si Paw kay Mark. Inisip nya ito na ang lalaki na
makakasama nya sa pang habang panahon. Ang lalaking magmamahal sa kanya
at mamahalin nya. Ang pag-ibig nya kay Mark ay walang kapantay. Pero si
Mark ? mahal ba nya si Paw ? Oo. Yun ang alam ni Paw. Parati kasing
sinasambit ni Mark ang mga salitang "mahal kita". Na kahit kailan ay
hindi naman nanggaling sa kanyang puso. Pinangako nya kay Paw na "hindi
kita iiwan", "bibilhan kita ng mansyon", "Ikaw lang ang mamahalin ko",
at ang pinaka gusto ni Paw, "pakakasalan kita". Lahat iyon pinaniwalaan
agad ni Paw. Ngayon lang kasi sya nakaramdam ng sobrang pagmamahal. Pag
nagtitinginan sila, parang wala ng makapag titigil pa. Laging nasa isip
ni Paw si Mark. May pagkakataon pa nga na naisulat ni Paw ang pangalan
ni Mark sa kanyang test paper. "Babe" tawagan nila na sa twing
naririnig ni Paw mula kay Mark, ay sobrang saya na nya.
Tumagal sila ng halos dalawang buwan. Dalawang buwang puno ng
pagmamahalan. Dalawang buwang akala ni Paw, ay habang buhay na.
Hanggang sa nagbago si Mark. Hindi na sya kasing sweet tulad ng dati.
Hindi narin nya masyadong pinapansin si Paw. Dumating itong panahon na,
Nakikipag break sa kanya si Mark. Nasira ang lahat. Nawala na lahat.
Purong Sakit. Yun lang ang naramdaman ni Paw. Sobrang sakit. Yun lang
ang mali eh. Binigay nya lahat lahat kay Mark hanggang sa... wala nang
natira sa kanya. Hindi sya nakatulog. Hindi nya kaya eh. Sobrang sakit.
Kinabukasan. Nakita nya si Mark. Umiyak sya. Sobrang sakit. Pero ano
to. Nginitian lang sya ni Mark. Maya-maya nakikipagbalikan sa kanya si
Mark. Ang sabi ni Mark "sorry ah sinubukan ko lang kasi kung kaya kong
iwan ka eh.. hindi pala". Nagulat si Paw. Nawala ang sakit. Ang saya
saya nya. Walang kapantay na saya. Doon sigurado na si Paw na si Mark
na talaga ang mamahalin nya. Ilang linggo silang masaya. Ilang linggong
puno ng pagmamahalan. Ilang linggong akala ni Paw, ay habang buhay na.
Nag away sila. Nakipag break si Mark. Nanligaw siya ng ibang babae. At
iniwan nya si Paw. Nang mga panahong iyon, Wala sa sarili si Paw. Hindi
nya kayang wala si Mark. Mahal na mahal nya eh. Sabi nya nga. Si Mark
ang buhay nya. Ngayon, ang puso ni Paw ay may napakalaking sugat na
hindi na kailan man maghihilom. Napakasakit. Araw araw nyang iniiyakan
ito. Kahit sa klase. Tulala sya. Biglang tutulo ang mga luha.
Tatanungin sya ng mga kaibigan kung bakit. At laging "ok lang" ako ang
sagot nya. Simula noon nagbago na si Paw. Naging masama na sya.
Mapanglait. Matapang. Mataray. Suplada. Pala sigaw. Dahilan nya ay wala
na ang pag-ibig nya. Kaya wala ng pag-ibig sa kanyang puso. Galit, sama
ng loob at sakit na lamang ang natira dito.
Ilang araw pa. Nagbreak na raw si Mark at ang gf nya. Narinig ni Paw
ang balita. Sobrang saya nya. Tinawagan sya ni Mark. Kinagabihan noon.
Tulala si Paw nang mag ring ang phone nya. May tumatawag... si Mark.
Kinausap sya nito. Nakikipagbalikan nanaman. Sabi nya Hindi naman daw
talaga nya mahal yon kundi si Paw lang. At wala sya sa sarili nya ng
iniwan nya si Paw. Naniwala nanaman si Paw. Mahal nya eh.
Tatlong buwan na sila. Tatlong buwang puno ng pagmamahalan. Tatlong
buwang akala ni Paw, ay habang buhay na. Ang saya saya ni Paw. Ang alam
nya ay mahal na mahal siya ni Mark. Kasi tuwing nag bebreak sila, eh
nauuwi rin ito sa pagbabalikan nila. Wala nang mahihiling si Paw.
Kuntentong kuntento na sya. Walang araw na hindi pinaramdam ni Paw kay
Mark ang pag ibig nya. Lagi nya tong sinasabihan ng "i love you" at
kahit saglit lang mawala sya sa paningin nito eh miss na miss na nya
agad. Sobrang pag-ibig na ang nadarama ni Paw kay Mark. At lagi nyang
sinasabi na pag nawala ni Mark eh mamamatay na raw sya. Hayy ang arte
talaga ni Paw. Ganun talaga eh. Mahal na mahal nya.
Apat na buwan na sila. At bago man sila mag monthsary. Nakipag break sa
kanya si Mark. Nasaktan nanaman si Paw. Pero ayos lang. Mahal nya eh.
"Kapag nakipagbalikan sya sakin, Tatanggapin ko sya nang paulit ulit."
sabi ni Paw. Hinintay nya iyon. Pero ang tagal. Sinasabihan parin sya
ni Mark na mahal sya nito. Sobrang mahal. Pero hanggang friends lang
daw muna. Hindi maintindihan ni Paw. Ang alam nya ay babalik din sa
kanya si Mark.
Nainip na si Paw. Halos isang bwan na. Magkaibigan lang kami. At parang
hanggang dun na lang nga. Sobrang sakit. Pero umaasa parin syang
babalik si Mark. Nagpapakita parin kasi si Mark ng motibo kay Paw na
mahal parin nya ito. Mag dadalawang buwan na. Gabi gabi umiiyak si Paw.
Hindi nya kaya eh. Sobrang sakit. Dalawang buwan na. Nasanay na si Paw
na wala si Mark. Tanggap na nya. Kaibigan nalang nya si Mark. Pero bago
nya matanggap iyon. Sobrang dusa ang dinaanan nya. Inisip nya kung saan
ba sya nagkulang. Anong mali ba ang nagawa nya. Ano pa bang kulang?
Bakit? Bakit sya iniwan ni Mark.
March na. Magtatapos na ang klase. mga huling araw nun. Nakipagbalikan
sa kanya si Mark. Pag-ibig nga naman ! Kahit ilang beses na syang
pinaasa, sinaktan at iniwan ni Mark. Tinanggap nya ulit. Mahal na mahal
nya parin. Hay ! Napakasaya nanaman ni Paw.
Ilang araw pa. Tinatawagan ni Paw si Mark. Pero hindi sya sumasagot.
Dalawang araw na. Hindi paren nya sinasagot ang mga tawag ni Paw. Nag
aalala na si Paw. Nasasaktan nanaman siya. Hanggang sa.... nagtext ang
akala ni Paw ay ex na ni Mark. Nag usap sila. Nagulat siya. Gulat na
gulat. Nang malaman niya na may relasyon pa pala si Mark at ang ex
nito. Napakasakit. Sobrang sakit nanaman. Pero mahal na mahal ni Paw si
Mark eh. Tinawagan nya parin si Mark. Hindi nagalit si Paw, ayos lang
kay Paw ang mga nalaman nya. Basta magbago na si Mark. Hindi paren
sumasagot si Mark. Sobrang sakit na para kaw Paw. Sunod sunod na ang
mga masasakit na pangyayaring tumutusok sa puso nya.
Isang gabi. Sumagot si Mark. Kinausap sya ni Paw. "Babe ? Ayos lang
kahit tinwotimer mo ako. Mahal na mahal kita. Pinapatawad na kita.
Magsalita ka naman oh". At ang sagot ni Mark. "oh". Puro ganun lang.
Sobrang sakit. Sobra sobra na. Siya na nga ang nanakit, siya pa ang
galit. Araw-araw parin, hindi sumusuko si Paw kay Mark. Gusto nyang
bumalik sya eh. Mahal na mahal nya. Gabi gabi nyang iniiyakan.
Hanggang sa.. Sa wakas ! "Nakalimutan na rin kita.". Hindi na
nasasaktan si Paw tuwing naiisip nya si Mark. Wala nang luha ang
biglang tutulo sa twing naaalala nya ang mga masasayang panahong
magkasama sila. Nakakatulog na rin si Paw sa gabi ng maayos. "Salamat
naman. Nawala ka na rin sa puso ko". Tuluyan na nyang kinalimutan si
Mark. Ilang araw matapos makatayo ulit si Paw sa sariling paa,
nasabihan sya ng isang kaibigan. "Hindi ka ba lilipat ng school?"
tanong sa kanya. "Hindi ata eh bakit ?". "Kasi ayaw ka na raw makita ni
Mark. Galit na galit sya sayo eh.". Nagulat si Paw. Bakit naman kaya
magagalit sa kanya si Mark ? Ang huling paguusap lamang nila ay iyong
niloko ni Mark si Paw. At kung may dapat mang magalit. Hindi ba si Paw
yon ? Siya na nga ang niloko. Siya pa ang kinagagalitan. Napaka hirap
naman nang ganung lagay. Pero wala namang pakialam si Paw. Ano naman
kung magalit si Mark sa kanya? Ano ba nya yon? Hay nako. Galit nalang
din ang naramdaman ni Paw kay Mark. Sobrang galit.
Nakapanghihinayang ang storya ng pag-ibig ni Paw at Mark. Tunay na
pag-ibig na yung naramdaman ni Paw kay Mark eh. Kaso palagi nalang
siyang pinaglalaruan ni Mark. Mali. Mali ang lalaking pinagalayan nya
nang puso. At ngayon. Hindi na nagmahal ulit si Paw. Hindi dahil
natatakot ulit siyang masaktan. Kundi dahil wala na siyang pag-ibig na
maramdaman. Lahat kasi iyon, binigay nya kay Mark. Pero winala lang.
Nawala na. Wala na.
This is a real story of Love. I just changed the lover's name for their privacy.